Tulong › Puntos ng Bagay sa Colnect
Puntos ng Bagay sa Colnect ay isang bukod-tanging talatuntunan na nakapagtatantiya ng halaga ng isang bagay. Ang puntos ay base sa kung paano pinangasiwaan ng mga kasapi ng Colnect ang kanilang pansariling koleksyon at ito ay kusang nakalkula na.
Paano babasahin ang puntos?
Pinakamahalaga ay pag-isipan ang Ganap na Kawastuhan ng puntos upang malaman kung gaano ito katiwa-tiwala para sa bagay na iyong tinitingnan. Maraming bagay ang walang mungkahing puntos dahil walang sapat na kolektor ang naglagay ng tanda sa kanilang talaan. Habang lumalaki ang Colnect, magkakaroon ng mga wastong resulta ang bawat at lahat ng bagay sa Colnect. Ang puntos ay may agwat mula sa pinakamababang halaga - 0 at ang pinakamataas na halaga 100. Ihambing lamang ang mga bagay na may kahalintulad na uri, tulad ng magkakaibang barya na mula sa isang bansa. Kung ang mga bagay ay may magkakaibang puntos, malamang (umaasa sa Ganap na Kawastuhan) na ang isa na may mas mataas na puntos ay mas mataas ang halaga.
Paano kinakalkula ang puntos?
Habang ang mga kolektor ng Colnect ay pinamamahalaan ang kanilang pansariling koleksyon, sila ay mabisang tumutulong na gumawa ng imahe sa pag-alok at hinihingi sa merkado. Ang mga halaga ay pinagpapasiyahan sa pamamagitan ng iniaalok at pangangailangan at ang aming bukod tanging puntos. Upang matiyak ang kahusayan ng puntos, ginagamit natin ang mga ibang paraan. Ang puntos ay maaaring baguhin bawat linggo o higit pa kaya't ito ay hindi madalas na pabago-bago. Ang mga kasapi ng Colnect ay maaaring may mas matimbang na paraan kaysa iba sa pagpapasya ng puntos. Ang mga kasaping tinanggal na ay hindi makakaapekto sa puntos. Ang mga bagong kasapi o mga kasaping di ganap na aktibo sa Colnect ay makaapekto lamang ng bahagya sa puntos kumpara sa mga beteranong kasapi na aktibo sa Colnect.
Bakit walang hustong halaga sa pagtantiya?
Ang aming bukod tanging algorithm ay hindi maaaring magtakda ng wastong halaga dahil ito ay aasa sa napakaraming dahilan na lubos na tiyak sa isang bagay na pinag-uusapan. Ituring ang halimbawa ng 50€ at 5€ mga salaping papel 50 Euro at 5 Euro na nakatala sa Colnect. Pareho itong kilala ngunit ang mas mataas na denominasyon ay maaaring may mas mataas na halaga kumpara sa mababang denominasyon. Ang kalagayan ng isang bagay ay kadalasang nakakaapekto sa halaga at ang kalagayan ay hindi kasama sa aming katalogo. Paki tala lamang na kahit ang mga propesyonal na nagbigay na ng halaga sa isang bagay ay kadalasang nagbibigay pa rin ng ibang halaga sa naturang bagay.
« Pagiging Komportable: Makipagkita sa Nangongolekta | Pagiging Komportable: Pag-uugnay sa Colnect »
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o komento, paki-post sa aming Talakayan.